Patient Rights
MGA KARAPATAN NG PASYENTE |
Hinihikayat naming kayong maging bukas sa pakikipag-usap sa inyong health care provider, makibahagi sa inyong mapipiling paggamit, at maprotektahan ang inyong kaligtasan sa pamamagitan ng pagiging maalam at nakikisangkot sa inyong kalusugan.
|
|||
1.
|
May karapatan kang tumanggap ng mapagsaalang-alang, magalang at matulunging health care sa ligtas na lugar anuman ang iyong edad, kasarian, relihiyon, etnisidad, kasapiang political, kapansanan, o kakayahang makapagbayad, na malaya sa lahat ng anyo ng pang-aabuso, kapabayaan, o maling paggamot.
|
||
2. | May karapatan kang mabigyan ng mahusay na doctor at maipaalam ang mga pangalan ng lahat ng kasapi ng health care team na kwalipikadong sumuri, gumamot at magbigay ng payong medical. Gayundin, mayroon kang karapatang malaman ang iyong bayarin sa ospital at doctor, at makatanggap ng impormasyon hinggil sa posibilidad na tulong pinansiyal. | ||
3. | May karapatan kang magkaroon ng kasama sa iyong pananatili habang nasa ospital malibang kung nakokompromiso nito ang karapatan, kaligtasan, kalusugan mo o ng iba. | ||
4. | May karapatan kang ipaalam sa miyembro ng iyong pamilya o sinuman at sa iyong napiling doktor ang iyong admisyon sa opsital. | ||
5. | May karapatan kang isagawa ang iyong espiritwal at kultural na paniniwala na umaayon sa kakayahan at mga alituntunin ng ospital. | ||
6. | May karapatan kang malaman at makapagbigay ng pahintulot o tanggihan ang anumang prosidyur o pamamaraan ng di-emergency o pagsasaliksik/eksperimento. | ||
7. | May karapatan ka sa pagiging pribado at kompidensyal ng iyong ulat medical alinsunod sa batas gayundin sa mga diskusyon sa pangangalaga, eksaminasyon at panggagamot, at ang karapatang maktia o mabigyan ng kopya ng ulat medical maliban kung ang natukoy na ulat ay di-pinahihintulutan ng batas. | ||
8. | Maaari kang humiling ng kasama habang isinasagawa ang pisikal ng eksaminasyon. | ||
9. | May karapatan kang katawanin ng iba upang magpasiya para sa iyo kung hihingiin ng pagkakataon. | ||
10. | May karapatan kang magtanong at malaman ang proseso ng pagrereklamo at ipahayag ang mga hinaing ng walang takot sa igaganting-paratang or paghihiganti. Ikaw ay hinihikayat na direktang makipag-usap sa health care provider na nangangalaga sa iyo. | ||
Kung may mga isyung di-naaayon sa iyo, o kung nais mo ang tulong ng sinumang di-direktang sangkot, kausapin and kawani ng Ugnayang Pasyente o Direktor ng Ospital. |
Patient Safety
PARA SA KALIGTASAN NG PASYENTE |
Mga Dapat Tandaan at Gawin Upang Maiwasan ang Pagkahulog sa Kama at Pagkadulas ng Pasyente sa Loob ng Ospital. | |||
Ang pagkahulog sa kama at pagkadulas ay isa sa mga madalas na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng pasyente. | |||
Mga paraan o dapat gawin upang maiwasan ang pagkahulog sa kama at pagkadulas ng pasyente. | |||
1. |
Unawaing mabuti ang mga paalala ukol sa mga alituntunin sa ward. | ||
2. | Ilagay ang pasyente sa naangkop na kama, at panatilihing nakataas ang “siderails” ng kama sa lahat ng oras. | ||
3. | Ipaunawa ng mabuti sa mga bantay na hindi maaaring iwanan ang pasyente na mag isa lalong-lalo na ang mga bata, may edad at may kapansanan. | ||
4. | Kung aalis sa tabi ng pasyente, ibilin sa katabing bantay at ipaalam sa nurse o nursing attendant. | ||
5. | Laging alalayan ang pasyente kung tatayo, uupo o pupunta sa palikuran. Huwag gawing pang-alalay o tungkod ang sabitan ng swero o upuan. Humingi ng tulong kung kinakailangan. | ||
6. | Iwasang magsuot ng anumang madulas o nakadudulas na proteksyon sap aa ng pasyente. | ||
7. | Panatilihing tuyo at malinis ang sahig ng ward at palikuran sa lahat ng oras. | ||
8. | Kaagad na ipaalam sa nurse o nursing attendant ang anumang pagkahulog o pagkadulas ng pasyente |
Patient Responsibility
RESPONSIBILIDAD NG PASYENTE AT BISITA |
PARA SA PASYENTE
• Magsuot ng “gown” ng ospital.
• Laging manatili sa kama. • Huwag lumapit sa ibang kama ng walang pahintulot ng doctor or nars. Kung Pauwi na ang pasyente
• Hingin ang “Billing Statement” sa “Nurse-on-Duty”. • Bayaran ang gastusin sa kahero (Cashier). • Ipakita ang “billing payment receipt” sa Billing Unit at kumuha ng “discharge slip”. • Ipakita ang “signed discharge slip” sa nars upang mabigyan ng “clearance” para makauwi. • Isurrender ang “cleared discharge slip” sa guwardiya sa ground floor. |
|||
PARA SA BISITA
• Sumunod sa mga alituntunin sa ospital hinggil sa oras ng pagdalaw:
» Payward: 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi » Regular Ward: 4:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi • Dalawang (2) bisita lang ang maaaring pumasok sa oras ng dalaw. • Bawal ang bata na may edad mula kinse (15) pababa na bumisita. • Ipinagbabawal ang pagdala ng pagkain para sa pasyente dahil baka ito makasama sa pasyente. |
|||
PARA SA BANTAY
• Laging isuot ang “Watcher’s ID”.
• Isang bantay lamang bawat pasyente.
• Pinapayagan ang dalawang (2) bantay kung kritikal ang lagay ng pasyente at may pahintulot ang doctor o nars.
• Bawal magbantay ng pasyente ang may edad disisyete (17) pababa. • Laging manatili sa tabi ng pasyente. • Ang pagpapalit ng bantay ay tuwing 10:00 AM hanggang 11:00 AM lamang. • Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas sa ospital mula 10:00 PM hanggang 5:00 AM. Magpaalam sa “Nurse-on- Duty” kung kinakailangang bumili ng gamot sa labas.
• Isang bag lamang para sa personal na gamit ng pasyente ang pinahihintulutang dalhin sa ospital. • Ang mga gamit gaya ng TERMOS, PINGGAN, BASO, KUTSARA at TINIDOR ay puwedeng dalhin sa ospital.
• Ang mga gamit gaya ng “ELECTRIC FAN, RADIO, o CELFONE” ay dapat irehistro sa Nurse Station. Kailangang
bayaran ang paggamit ng kuryente kasama sa “patient’s bill” bago lumabas ng ospital.
• Bawal maglaba at magsampay ng damit. • Maghugas ng kamay pagkatapos mag-asikaso ng pasyente at bago kumain. • Panatilihing malinis ang kama, “bed side table” at gamit ng pasyente. • Ingatan ang gamit ng ospital tulad ng kama, mesa, upuan, o mga bagay na ipinagagamit ng ospital. • Pangalagaan ang pasilidad (facilities) ng ospital kagaya ng tamang paggamit ng kubeta, bentilador at ibang gamit sa loob ng kwarto ng ospital. Huwag mag-aksaya ng tubig at ilaw.
|
|||
PAALALA PARA SA LAHAT
• Panatilihing malinis ang loob ng kwarto at ospital.
• Sumunod sa wastong pagtatapon ng basura. Ilagay ang inyong basura sa tamang kulay ng basurahan na nasa loob ng kwarto.
» Dilaw (Yellow) – para sa basura na ginamit sa pasyente » Berde (Green) – para sa basa at nabubulok na basura » Itim (Black) – para sa tuyo at di nabubulok na basura • Huwag magdala ng alahas at malalaking halaga ng pera. Walang pananagutan ang ospital kung ito ay mawala.
• Ipinagbabawal ang manigarilyo sa loob at kapaligiran ng ospital. • Bawal mag-ingay o gumala sa ospital. • Bawal magbantay o dumalaw ang nakainom ng alak o nasa impluwensya ng pinagbabawal na gamot.
• Bawal magdala ng alak, kutsilyo o kahit anong matulis na bagay, baril at iba pang gamit na makakasakit. Kung sakaling may dala ng alinman nito:
» Ideposito ang mga ito sa guwardiya » Humingi ng “deposit slip” » Ibalik ang “deposit slip” kung uuwi na para maibalik ang bagay na idineposito sa guwardiya |