Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat sa mga SCAMMER na gumagamit ng pangalan ng mga opisyal o empleyado ng ating ospital upang manghingi ng pera, donasyon, o personal na impormasyon. Kabilang dito ang mga TAWAG SA TELEPONO kung saan nagpapanggap silang opisyal ng ospital upang manlinlang.
HINDI KAILANMAN humihingi ng bayad, donasyon, o sensitibong detalye ang ospital sa pamamagitan ng text, social media, o tawag.
Kung makatanggap ng kahina-hinalang mensahe o tawag mula sa hindi kilalang numero, HUWAG ITONG SAGUTIN at I-REPORT AGAD sa opisyal na hotline o tanggapan ng ospital. Anumang hindi nararapat o hindi etikal na gawain ay agad na aaksyunan at irereport sa kinauukulang awtoridad.
Patuloy na nakatuon ang SAN LAZARO HOSPITAL sa pagiging patas, tapat, at responsable sa pagbibigay-serbisyo publiko.
MAGING MAPAGMATYAG AT HUWAG MAGPAPALOKO.


